Ang Paghihirap ng lalaki!

by dhanhiezha
(sta.mesa)


*sindi ng yosi*

*hithit*
*buga*

Musta na, pare?
Ako, okay lang.
Eto. Nagmumuni-muni. Nag-iisip.
Minsan talaga may mga bagay na hindi ko maintindihan.
Ewan ko ba.

Bakit ba ganun pare,ilang beses ko na pinag-aralan pero lagi na lang lumalabas na parang kahit ‘sang anggulo mo tingnan,
hindi nagiging patas para sa mga lalake ang ilang bagay pagdating sa pagmamahal.

Minsan naiisip ko, alam kaya ng mga babae ang hirap ng lalake
na gumawa ng first move para magtapat ng pagmamahal?
E yung hirap na dinadaanan sa panliligaw at pagsuyo sa mahal nya?
Ang feeling ng masaktan pag nabasted?
Malamang-lamang siguro, hindi ano.
Wala naman yata silang alam sa mga paghihirap naten e.

Ang alam lang ata nila e
mamili, manakit, at magsaya.
Tingin mo?

Lagi naman ganun. Una pa lang, lalake na ang naghihirap.
Hassle saten ang panliligaw pero bago pa yun,
kung ano pang diskarte ang gagawin naten
para masabi naten sa kanila na mahal natin sila.
Alam kaya nila yun? Mahirap magsabi na mahal mo na yung babae, diba?
Tapos liligawan pa naten.

Patutunayan na mahal nga sila.

Susuyuin.

to-the-max.

Maghahatid sa bahay, tutulungan,
sasabayan, palalamunin, pagtyatyagaan,
lahat na.

Kulang na lang e pagsilbihan mo nang
walang sahod.

At ano ang kapalit? Well, depende sa trip nila. Oo tol, sa trip lang nila.
Wala silang pake kesehodang mahal natin talaga sila.

Basta ang alam nila, pag di nila tayo trip,
isang malaking HINDE ang makukuha
naten,

kahit umiyak pa tayo ng dugo o lumuhod sa mga asing buu-buo.
Para lang silang namimili ng damit na di man lang sinusukat bago ayawan.
Kaya kahit mahal na mahal na mahal na mahal natin, sorry tayo.
Hindi nila alam kung mahal mo sila.
Kailangan mong maabot ang kanilang mga standards o uuwi ka lang na bad trip, iiling-iling, at minsan, luhaan.

Wala tayong magagawa, marami silang alibi.

"Hindi pa ‘ko ready eh"
"Sorry pero I think we should just be friends"
"Ha? Uhhmm.. nagpapatawa ka ba? Hahahaha"
"Better luck next time na lang muna, okay lang?"
"Give me a decade. Pag-iisipan ko muna"
"Para lang kitang kapatid eh."

yaddah yaddah.



Isang malaking pagsasaklob ng langit at lupa ‘yon para saten.

*kuha ng bote ng beer*
*lagok*
*lunok*

At hindi lang ‘yon tol. Sa pre-relationship stage pa lang yon.
Pag sinagot na nila tayo, satin pa rin ang hassle.

Tayo daw ang mga lalake kaya..
tayo ang hahawak ng relasyon.
Tayo ang aayos kung may gulo;
tayo ang dapat magpapakabait;
tayo ang magtatyaga;
tayo ang magiging devoted at faithful;
tayo, tayo tayo.

Sila? Ummm… Teka, isipin ko.

Ayun.

Sila ang magsasabi kung anong oras kayo dapat magmeet;
sila ang magtetext ng mga mushy at kabalbalang texts;
sila ang magdedemand sayo ng kung anu-ano;
sila ang magbabawal;
sila ang magsasabi kung kelan ka dapat mag-shave,
kung kelan ka pwedeng tumawag sa bahay nila,
kung kelan sila di dapat bad tripin dahil meron sila,
at kung kelan ka korni.

Ewan. Ganun ata talaga.


Hindi pa yun tapos pare, dahil dapat tayo ang bahala kung ano ang magiging takbo ng relasyon.

Pag maganda, edi okay.
Pag may problema, kasalanan naten.
Haay buhay. Minsan talaga kung tutuusin sakit sila ng ulo.
Kaya lang mahal naten kaya di na natin iniintindi yun.

*hinga ng malalim*

Pero alam mo tol, feeling ko mas sincere pa tayo magmahal sa kanila.
Alam mo yun, iba tayo magmahal e.
Hindi lang parang laru-laro lang. Seryoso.
At kung magmahal man tayo, lubus-lubusan.

Mas mature?
Hindi yung parang pambata lang gaya nila na kesyo magseselos-selos, iiyak-iyak, iina-inarte, dadradrama, at kung anu-ano pa.
Hindi lang kababawan. Ka-mushyhan. Kababaihan. Iba tayo pag nagmahal.

*hinga ng malalim*
*tingin sa malayo ulit*

At ito pa ang pinakamasaklap.

Ang ending ng relasyon.
Sa mga panahong ‘to, either
sawa na sila, hindi na tayo trip,
may nahanap na silang better saten,
o kaya they need f*cking space and time muna.
Bad trip no? Wala na naman tayong choice. Sila ang masusunod.

At ano pa ang kasamang hassle don?
Syempre wasak na ang imahe naten.
Tayo ang lalabas na may kasalanan.
Na playboy. Na nagpapaiyak.

Tayo siyempre ang mga antagonist
at sila yung mga bidang inaapi at parang mga pusang iiyak-iyak.

Ang ending:
mag-ooffer sila ng “friendship” kuno matapos tayong pagsawaan,
lahat ng gifts naten nasa kanila,
sawi tayo sa pag-ibig, “player” na ang image naten,
at higit sa lahat,
mag-iisip kung papaano ipagpapatuloy ang buhay.
Maiiwan tayong tulala, mag-iisip kung saan nagkamali, mamomroblema sa pag-aadjust sa pagiging single, at di na naman makakatulog.

Haay buhay. Ang hirap maging lalake.
Lagi ka na lang naiiwan sa ere.
Ano? Hindi ka na nagsalita? In-love ka no?

Ako, kamusta? Eto.
Yoyosi-yosi. Bubuntong-buntong hininga. Titingin-tingin sa bituin. Mumuni-muni. Lalagok ng alak

Ang mga babae talaga, oh

Agree ba kayo guys? hahahaha.. :p

Comments for Ang Paghihirap ng lalaki!

Average Rating starstarstarstarstar

Click here to add your own comments

Jun 30, 2015
Rating
starstarstarstarstar
JB NEW
by: Anonymous

tma nmn tol ung mga cnb mo pero dpend nmn tlga yn sa bbae kc ang mga girls naninigurado lng cla s pinapsok nilang relasyun kea dpt dn stin mging stick to one.

Dec 01, 2013
Rating
starstarstarstarstar
ASTIG !! NEW
by: XiaM



qanda nq conversation
mo pre .. !!
anq astiq[2x qrave :)

Jan 20, 2012
Rating
starstarstarstarstar
Astig!
by: jayson

Astig!

Mar 20, 2011
Rating
star
i am not agree....
by: Anonymous

i didnt agree with you but i respect what you say....i know what yoyu feel...about "us"(girls)
i know that sometimes is "super and grabe" but what you are saying is "lahat samin ang mali" that's probably WRONG..

Jan 16, 2011
Rating
starstarstarstarstar
napakagaling mo!
by: Anonymous

ahahaha pre tama lhat haiz nlang.... problema q pdn gf q haizzzzz

Dec 09, 2010
Rating
starstarstarstarstar
Tamaaa!!!
by: herslie

tama ung sinabi mo!! ganyan nmn talaga mga babae eh!! ang alam lng nila magpakasaya, d nila inisip hirap ng mga lalake.. palibhasa kasi si la ang nili2gawan, atsinusuyo.. AMF!! talaga karamihan ng mga babae... DAMN!!

Nov 19, 2010
Rating
starstarstarstarstar
Tama ka pare...
by: Anonymous

22o ang mga cnasavi mo ... ganyan talaga ang mga babae...

Nov 08, 2010
Rating
starstarstarstarstar
may gnun?
by: Anonymous

may gnun? hehe. diko alam kong lahat ba tama. pero di naman siguro lahat ng lalake gnun? some were players talaga na walang ibang gustong gawin kundi "collecting girls to be part of their life" na di mo alam kung serious ba talaga sila sa bawat girl na being part of their life. marami na kasi akong nakilala na boys na ganun ang ugali. di lamang kaming mga girls ang ganun sa tingin ninyo. marami din sa amin ang naghahangad na seryosohin at mahalin nang tunay at dahil sa sobrang love namin sa bf namin di talaga maiwasang magselos na dahilan ng di pagkakaunawaan. pero nagbibigay din naman kami ng chance eh. kaya lang kung minsan binabalewala ninyo. hahay. parehas lang ata tayo ng problema boys.

Nov 08, 2010
Rating
starstarstarstarstar
agree
by: Anonymous

agree ako sa mga ibang sinabi mo. pero yung iba hindi na.

Nov 02, 2010
Rating
starstarstarstarstar
Disagree and Agree
by: koolets

alam mo ang lahat ng yan minsan ay nababaligtad ang pangyayari, wag mong sasabihin na kayo lang lagi ang naghihirap. una, di hiniling ng babae na ligawan mo siya suyuin, gumastos, at magpakapagod,
kung idinadaan sa kung ano anong dahilan para di sagutin, yun eh, para di ka masyado mahurt. second, sa panahon ngayun, di lang lalake ang gumagastos, lalake man ngayun binibihisan na rin ng babae,at yung trip na sinasabi mo, diba mas maraming lalake ang unang nagtitrip, pagpupustahanan. lalo na kung hard to get ang girl. di kasi maintindhan ng ibang guy yun, eepal pa. lalo na kapag sexy ang girl unahang mapasagot. sa tingin nyo nanggagamit lang ang girl. kayo bang mga guys. hindi? di lang matanggap ng guy, na marunong na ang mga girls na pumarehas ng laban, lahat naman may nasasaktan, lalake at babae sa isang relasyon
kapag ang girl, maraming reason kapag di ka sinagot, pano naman ang gagawin mo, kung 3 kayong nanliligaw na seryoso, alangan naman sagutin niya kayo lahat, para di kayo masaktan. all are appreciated mga guys. wag nyong isiping hindi ah. Life is unfair sometimes, and girls and boys are both unfair depende sa sitwasyon. call it "whatever" loser.

Nov 01, 2010
Rating
starstarstarstarstar
babae
by: lifeisunfair

aba buti nga yun lang ang paghihirap nyo.
ang mga babae buwan buwan may masakit o yong tinatawag na dysmenorrhea. at 9 n buwan na may inaalagaan sa loob ng kanilang katawan at kaakibat nito may mga sakit na dulot ng pagbabagong ito. at kapag manganganak naman grabe rin ang mga pinagdaraan nila. sa totoo lang maraming paghirap ang pinagdaraanan ng mga babae. hindi ko na iisa isahin at baka magkulang pa ang max n 3000 characters. haha

Sep 21, 2010
Rating
starstarstarstarstar
shot nlng tayu tol :)
by: Anonymous

gus2 ko mga sinabe mo pero hindi lahat ng sinabe mo tol tama :))

Click here to add your own comments

Join in and write your own page! It's easy to do. How? Simply click here to return to Tagalog Love Quotes.

Site Build It!

ad

Enter Your E-mail Address
Enter Your First Name (optional)
Then

Don't worry — your e-mail address is totally secure.
I promise to use it only to send you Love Quotes.